Entries for September, 2006

September 2nd, 2006

kahapon

leche. nawala ung ipopost ko. si kuya kse singet eh. anyway, tapos na ung prelims. ang hirap ng zoology tlga. takte. khet ata sina mendel and leewenhoek mahihirapan sa mga imbento ng mga teacher na to eh. minadali ko na ung exam dhl ppnta akong roosevelt. kelangan ko abutan si czari na ilang buwan ko na di nakikita.

pagdating ko dun.. wala na raw siya. umuwi. buti na lang naalala ni steph na PE pala nila. waw! lucky lucky. aun. sina gelica, vien, jon at mga juniors andun pren. malamang ehh school namen un ehh no?? hahahaha!

aun. wala lang. namimiss ko na tlga sci high. super. gusto ko maglaro sa intrams pero kahit ata hintayin natin na magkaron ng bulateng kasing haba ng anaconda, hindi paren kame makakalaro sa intrams.

ayon. super heroes! sina *BOOMING VOICE to ahh..* HYDROMANIAC (iceman at -magiimbento pa ko-), si HER GREATNESS (with matching thunderbolts) at si SEEWHY JONJON (na nakakapagtransform sa khet ano, khet bulateng kseng haba ng anaconda).. ayon. narealize kong ung user name ko sa tabulas ang walang kwenta. Lady Joan. musta naman?? ahahahha!

nanood kme ni kuya ng shutter. pucha. di ko pdeng panoorin un ng anjan sina inay dahl napapamura tlga ako ng PI. sobrang katakot. huhuhu. di ako makatulog kaya khet disoras na ng gabi, nanood ako ng bring it on. ganda pla nun hehehe.


finally.. after ilang buwan.. nagkita ren kme. hehehe.


i miss my school. i miss my classmates. i miss our classroom.


tignan mo! si HER GREATNESS! hehehe.

Posted by ladyjoanruiz at 10:08 PM | 4 found me

di na colorful

naman naman.. hehehe. nagtraining agad ako kay sir reiner pagkagising ko. hehe. siyempre naligo muna. hehe. ayon. si lia ung nagturo. stig no? hehehe. pero kanina 1 session lang ako. mageexam kse ako tas magkikita pa kme ni kathryn sa cubao. first time ko kase magcocommute papuntang mandaluyong. ayon. dapat tlga hindi na ko uuwe pero ayon nga, nakalimutan ko ang aking mouth guard. musta naman.

pagdating ko sa gateway, nagikot-ikot. naghanap ng kakilala. tss. ung classmate ko lang nung grade 5 ung nakita ko and some rooseveltians.

so aun, kasama niya ung friend niya, si CD. nagMRT kme, 4th time ko na makasakay dun! natatanga ako sa ticket. hehehe. tas astig daming escalators. chaka hiwalay ung guys sa girls. bat kaya?? mmm. hehehe. ayon. ang colorful pa nung labas. hehehehe. parang umaandar na billboard.

at sa wakas nakarating na kme sa honbu. ang init pa so nagstay muna kme ni kat sa CR dun sa may court. lamig dun.. sarap.. hehehehe. aga nga namen ehh..

aun. sa wakas at dumating na si erica!! yey! dami naming napagusapang tatlo, super saya tlga. hehehe. tas pinagtripan pa nmen sina mam alma aand mam roxie sa pagbow na super bagal tlga. hehehe. pero hindi natuloy kse natawa kme ehh. hehe. ayon.

kaba moments. paunti na ng paunti ang tao sa honbu at parami na ng parami ang nagbabago ng kulay ng belt. pero sa level namen, maraming bumabagsak. nauna pa nga magexam smen si kathryn ehh. tas si erica. tas kme nalang ni charles natira. ayon. grabe. naout of balance ako sa double kicks nung nakita ko si mam roxie na nakatingin. tas ampanget pa ng inside block ko. tas sa kata naman, onting problem lang. sa kumite, 1 lang score ko kay erica.

habang iniisip kung pumasa, naglakad ako papunta sa table. nakita ko ang papel na may grade na bagsak sa kihon. napailing ako at tinignan ko ang pangalang. shietttt! hindi ako!! nasa ilalim pala nun ung sken. ayos. 2 sa lahat. kata, kihon and kumite. kala ko tlga babagsak ako sa kumite.

pauwe, kumaen muna kme sa KFC with erica and her tita. ansaya. hinahalungkat ko ung bag ko kse i was trying to be ORGANIZED kse burara nga ako at magulo ang gamit. tas edi hinahanap ko wallet ko sa loob. hanggang naubos na ung damit ko sa loob ng bag. nkita ko wallet ko, tas may thing pa sa loob. keychain galing singapore!! yey! pasalubong ni mam alma. tats nga ako eh.

sa timezone, nakakita ako ng pug.



the wonderful girls of KDA. heheh. pasado kme sa exam!


kainan na sa kfc! erica and her tita


quadruplets


hehe. sa mrt

Currently listening to: dont say you love me - m2m
Currently feeling: great.
Posted by ladyjoanruiz at 10:55 PM | so?

September 4th, 2006

ang mga aso

Kung ikaw ay taga-USTe at nagcocommute (LRT, pedicab/jeep) papuntang school, malamang ay nakita mo na siya malapit sa may Jollibee. Siya ang asong kung hindi tulog, ay kumakain. kung hindi kumakain, ay nakahiga. kung hindi nakahiga, ay naglalakad (na malamang ay naghahanap ng pagkain). Kung hindi ako nagkakamali, baka siya ang asong nagjojoyride kung minsan sa ibabaw ng pedicab ni manong. meet...
TABAD.
Tabad - etymology: from the words taba and tamad


This is our dog. Tulad ni Tabad, mahilig matulog at kumain ang asong ito. Pero, may pagkakaiba sila ni Tabad, siya ay matapang tumahol sa twing may tao at malambing. Pero, kung hindi mo siya bibigyan ng pagkain, gagamitin niya ang kanyang kakayahang mang-irap. Hi-tech siya. Nakakagamit siya ng YM at webcam. Kulang na lang ay siya ang magtype. Guys, meet
Pandolino.



may pagka emo rin siya minsan.
Currently listening to: who let the dogs out
Posted by ladyjoanruiz at 07:41 PM | 8 found me

September 7th, 2006

la kwenta

sucker.
Posted by ladyjoanruiz at 08:28 PM | so?

September 8th, 2006

emo-ness

sooo emo. CRS week '06


at ako'y nakayakap sa nakaraan.


mukha ba kong natutuwa?


buti ka pa..


weh? natatawa ehh.
Currently listening to: pare ko
Posted by ladyjoanruiz at 02:38 PM | so?

bo times two

at ang aking kabobohan. meron kse dito sa FLASH DRIVE (gelica) na folder na MY Documents na andito tlga lahat ng documents nmen. eh balak ko ipahiram to kay lia kse birthday nya bukas, andun kse ung birthday gift ko sa kanya. wala kse akong blank cd na pagbuburnan so balak ko ipahiram na lang to sa kanya. ayon. ehh ang corny naman kng makkta niya lhat ng files nmen sa FLASH DRIVE (hihihi). so ang ginawa ko sinelect all ko tas shift del. edi syempre forever na. ang alam ko kse ung sa FLASH DRIVE (nyehehe) ung binura ko un pala ung totoong files! pati ung nasa FLASH DRIVE (hehe) nabura! BOBO!! tanga!
Currently listening to: ulan. literal.
Currently feeling: stupid
Posted by ladyjoanruiz at 08:06 PM | 2 found me

September 10th, 2006

ohh.

wahh. mejo nilagnat ATA ako kagabi. hindi ko alam kng dhl sa sobrang pagod o dhl after kong magkarate, magvolleyball, magbadminton at tumakbo, ehh naligo ako. sabi nila masama raw un. maaga raw akong mamamatay (wow) sbi ng matatanda. ewan. bsta un. pero palagay ko dhl sa sobrang pagod at pagligo. kse naman sino ba namang ayaw maligo pag super dugyot ng feeling db? ayon. hanggang ngayon super bigat ng feeling. huhuhu.

ayon. khpon nagkarate ako. si sir wally nagturo kse binyag nung anak ni sir reiner. nuff said.

pagdating ko sa school, kasabay ko nga pala si jeng dhl nagkita kme sa little singapore. ayun. super saya. si gelica parang sobrang namiss ko kse parang tgal na naming di nagkita. promise. pero sa totoo lang nung friday eh pmnta ako sa school. nge! hehehe. tas nagbadminton kme, pti si jon and vien. saya-saya. tas dumating si ariadne. super kawalang-gana ung volleyball dhl basa ung court and ball. tsk tsk. so badminton kme ni vien. argh. grabe. nakakaasar umulan bigla dito. nasa computer shop pa naman ako. dibale okay lang may shortcut kse dito. sa likod nitong computer shop na to, may pintuan. pag pumasok ka doon, sala na namen. imagine. hehehe.

hindi ko pa nakikita si lia kya hindi ko pa nabibigay ung gift ko sa kanya. ayon. ARGH! naasar na naman ako naalala kong practical bukas sa zoology! huhuhu. daming specimen kelangan kabisaduhin. tapos naalala ko rin na wala kmeng dsl kaya andito ako sa computer shop. nakakaiyak nga naman

ung kanina sa church, tungkol sa parents and kids ung teksto. tas super argh tamang-tama ako kse kakaaway lang namen nina mami last monday. pero okay na kme ngayon. pero khet anong ilag ko sa mga patama, tinatamaan tlga ako kanina eh. tsk tks. sorry sorry.



Currently listening to: ulan na naman
Posted by ladyjoanruiz at 05:30 PM | 2 found me

September 11th, 2006

please

Lord, please lang po. Tulungan Niyo po ako sa zoology at math at sa iba pang subjects. Sana po makabisado ko lahat ng dapat kabisaduhin lalo na ang chapters 23 to 27 ng zoology book namen at 40+ slides. Please please po ilayo niyo ko sa tukso tulad ng Rocket Mania at Warcraft. Sana po tlga tulungan niyo ko pumasa at matapos tong Sports Science. Gabayan niyo po ako sa lahat ng quizzes at exams na ittake ko. Sorry po sa lahat ng nagawa ko pong kasalanan. Sa pangalan ni Jesus.. Amen.
Posted by ladyjoanruiz at 07:11 PM | so?

September 12th, 2006

so..


depressed

stressed out

hurt

ALONE


please kill me. i beg you to kill me. please. please. KILL ME.

Posted by ladyjoanruiz at 06:42 PM | 2 found me


 

  60

Stress Level

CRITICAL

 

 

 

ScoreComment
 
15 - 25
AT RISK
You are at risk for higher levels of stress. Taking action now can help lower your body's stress level.
 
26 - 50
HIGH
You are at a high risk for stress burnout. You should take steps to lower your body's stress level.
 *im here.*
51 - 75
CRITICAL
You are at a critical risk for severe stress burnout. Your body's stress level should be controlled immediately.

Warning: Stress can cause severe health problems and, in extreme cases, can cause death. While these stress management techniques are conclusively shown to have a positive effect on reducing stress, readers should take the advice of suitably qualified medical examiners if they have any concerns over stress-related illnesses or if stress is causing significant and persistant unhappiness. Appropriate examiners should also be consulted before changing diet or levels of exercise.

Posted by ladyjoanruiz at 06:42 PM | so?

September 16th, 2006

froggies.

THURSDAY.


the day i hate. i still have three weeks to pass that stupid math 101. asar db?

ZOOLOGY.

the subject i hate. wahaha. pero wala ako magagawa. nagskin kme ng frog. super tagal bago ko siya hinawakan. nakagloves pa ko. kadiri tas ung classmates ko nagbibiruan pa na magbabatuhan ng frogs. tas nung kinuha namen ung froggies, nagsswimming sila sa something. kdri. baho.

so ayun. no choice eh.

takte palaka lang yan. hala babagsak ako lalo sa zoology.

yan lang ang isipin.

hanggang sa nagenjoy na ren ako sa pagbabalat sa kanya. may plus daw ang makakabuo ng skin. ehh takte ni-cut (nde ako nagpapacute, hindi ko lang alam ung pano isfell ang -kung anong bigkas, siyang babay - KINAT o ginupet) ko ung skin sa may paa niya. nung natanggal ung skin, para siyang nakasocks. pero sabi ni miss tanggalin lahat. fine. JANINE, pakitanggal nga please, tinanggal ko na ung gloves ko, hindi ko hahawakan yang palakang yan ng di nakagloves.

sorry kung super arte pero nakakadiri talaga pramis.

nagtiyaga akong magFX pauwe, FX hanggang cubao tas isa pa pauwe. kse baka tignan ung bag ko makita si froggy nde ako papasukin. imaginin mo na lang ang traffic.

at sa bag ko, mejo natapon ung ibang alcohol. ooh essence of skinless frog. eew.




eto ang gloves. oo maarte na.




EEW. say bye bye to your skin.




BOLD STAR froggy!



Currently listening to: all you wanted
Posted by ladyjoanruiz at 12:23 AM | 2 found me

ayy.

FRIDAY.

haay salamat at dumating ang friday. tagal! haha. ayon. nasira ang umaga ko dahil sa aking sapatos. takte talaga. di ko ineexpect na masisira siya. asar tlga as in SIRA talaga! un bang di na tatagal ng ilang oras. buti na lang, may dala akong shirt, jogging pants and sandals dahl dapat magtuturo ako ng karate sa school. buti na lang talaga.

after kong magquiz sa filipino, zoo and socio na. pero nagcut ako dahil hindi ko na matiis ang sapatos ko chaka wala namang gagawin. so aun. punta ako sm san lazaro.

edi syempre bili na ko ng shoes kahet di ako marunong pumili. chaka may binili akong shirt, di ko siya finit, mukha namang kasya kaya sige na nga bilhin ko na. pero pagdating dito sa bahay ang sikip. hmp. kala ko siguro payat na ko. hahahha.

ayon. babalik ko na lang siya tomorrow.

nagstay pa ko sa school kse iniisip ko kung itutuloy ko pa ung pagtuturo kse may ppntahan kme. super inantok tlga ako kse lakad lang ako ng lakad sa uste (wawa naman..hahaha!) so nagkape muna ako sa san mig. mga 3 na nun so tinext ko si bespren, nagusap muna kme sa san mig. grabe. namiss ko tlga ung ganun. sorry ha, loner na kse ako ngayon eh. wala akong ganang makihalubilo sa ibang tao. gusto ko tlga ung mga tao sa school dati. anyway, sinamahan ko na si bespren sa malapit sa buildings namen preho para sa ginagawa nila. may classmate siyang kamukha ni marish super. pareho rin ng kilos. pero may pagkakaiba. haha! di ba bespren? di ko na lagay dito un. hahahaha!

after nila gumawa, umalis na kme. pero napigilan kme dhl sumayaw ang salinggawi. so singit muna. nung nakakuha na kme ng good view, nag-GO USTE na sila, ibig sabihin.. tapos na ang pagsasayaw. nge!

bibili sna ako ng shirt kseo la ako pera.

paguwe, naudlot na naman dhl nkta ko ung kacollege ko na super weird! mas weird pa kay.. basta his name starts with G. lam niyo na un.

at natuloy na rin kme sa wakas sa pagpunta sa lrt.

bumaba na ako sa gateway dhl sabay kme ng ate ko. pnta kme sa proj. 4 dhil dumating si lolo daddy (lolo ko sa states). adventure! takteng yan. di ka ba naiinis pag hawak mo na ung pinto ng FX, sisingitan ka pa. langya. nagBUS kme! oo! as in! ung orange! ung marikina something! shet! first time ko! galing! ganda! wow! amazing! enjoy ako super. pati pagdating namen sa proj 4, andun si uncle joy, lakas nga mang-asar eh. haha. di ko kse makuha ung joke niya about sa konduktor.

konduktor tatay mo, magpapagamot ka ba?

**natanga. kung doktor?**
KUNG doktor tatay ko?

--tawa lahat.--
KONDUKTOR ang tatay mo, magpapagamot ka ba?

uh.. wala naman akong sakit ah.

--nagmistulang comedy bar ang bahay--


tanga ehh no? hahahaha!


dami shoes! pick one.


this is tabad. real name: Jacky


tabad jr.


syempre may trying-hard tabad.


ay ay.. eto sa BUS! parang sa forrest gump!


si manang konduktor.


o. picture namen!


ahh ganun pala magbayad. stig.









Currently listening to: brown eyes
Posted by ladyjoanruiz at 01:09 AM | 2 found me

bleh?

nakakapagod ano? wala lang. bigla lang akong napagod. parang paulit-ulit lang ung buhay. pag weekdays, gising, school, uwe, kaen, aral minsan, tulog. pag weekends, gising, karate, church, kaen, aral minsan, tulog. di ba nakakapagod? nakakasawa. walang bago. walang luma. ganito lang ng ganito. at ngayon gabi na naman. tulugan na naman.

"hahahaha!" sarap tumawa? "huhuhu" panget umiyak? wala. wala. wala. wala akong masabi.

hindi mo ba naiisip na pag namatay ka, ano ng kasunod? ganun ka na lang? parang mabuti pa atang pagtyagaan mo buhay ka, kesa nandun ka lang sa kabaong. pero pareho lang naman un. para rin naman akong patay eh. kung sa kabaong, araw-gabi, nakahiga't nakapikit.. ako rin, bilang buhay na tao. araw-araw, gabi-gabi, un at un ang ginagawa. ni hindi man lang pumalyang magbago kahit na isang araw lang. nakakasawa di ba?
Posted by ladyjoanruiz at 10:45 PM | 2 found me

September 18th, 2006

Rexona Cup 4

wehey. hehehe. kahapon ung tournament pero ngayon lang ako magpopost dhl super napagod ako kahapon

ayon. saya nung tournament kahapon. hehehe. hinatid ako ni inay. tas pagdating ko, pinagbihis na agad kme. nanood muna kme ng laban ng kata ng blackbelts (women's division). ayon. tas kme, naman. onti namen sa kata. si kathryn, erica, lia chaka ung isa pa atang tga ibang club. una ko kalaban si kat. tas si lia. nyay! hehehe. gold si lia as usual. silver ako, bronze si kathryn.

tas edi bihis na kme ulet. pagkabihis namen, nge, kumite na agad! biglang dumami ung kasali sa 16-17! as in! hahaha! bsta andami namen. kalaban ko una ung nakalaban ni lia sa kata. super lakas niya manipa tlga. grabe. pero ayos lang. heheheh. tri-ny (try) ko ung take down pero pumalpak. natumba ko siya pero parang pinipilit niyang tumayo kaya di ko mapasok ung suntok ko sa kanya. tas next ko kalaban si mam kaycee. tas si kathryn. sayang tlga! hahaha! kala ko tlga for the first time ever.. matatalo ko na si kat! as in! hehehe. siyempre gusto ko magawa un kse parang malaking challenge tlga pag si kathryn ung kalaban. yess naman. nag-tie kme tas parang sa huli.. ung first to score. kala ko sken ibibigay ni ref. hehehe. kay kath binigay. so kme nalang ni erica ung naglaban for bronze (la ka ba napansin, final four lagi ang KDA? hehehe), kala ko naman mahaba pa ung oras dhl di pa nagwhiwhistle. nung nagwhistle na, lumayo na si erica kse score namen 2-1 kelangan ko maghabol. un pala, ung whistle na un, ibig sabihin tapos na ung game! musta naman.. hehehe. laglag ako sa kumite.

kath and lia match. MAIN EVENT! hehehe. palitan ng sipa sa mukha. stig tlga. tas pareho na sila ng guard, nasa ulo na ung guard nila. hehehe. gold lia, silver si kath, bronze si erica.

dumating sina ate sheggz and her friends. mga fans ni mam gege. hehee. tas si ate renee rin, karatista rin.

ayon. after nung game, okay na. wala na kong laro. bumili kme nung shirt ng rexona cup. so pre-preho kme ng shirt. si erica, si mam kaycee and mam roxie and ako. tas un ba naman.. kme ung nagtatawag ng mga players and kme ung nagmomonitor. grabe! STAFF na STAFF ang dating! nakakatuwa. lahat kme nakajeans, sandals/slippers and pre-preho kme ng shirts! hahaha! tas lahat kme may hawak na papel at bolpen, musta naman.

new friends: KDA girls from the school of the holy spirit. ang sasaya nila. hehehe. ayos sila ksma. ang natatandaan ko. "kata" garcia. yuka. diane ba o diana? bett. yes double T. si lica. larmae. uh, ay! si patricia ung matangkad. si a.. bsta A nagsstart ung name niya. sa a din ata nageend. ooh shucks. nde ko na maalala ung iba. hehehe. neks taym neks taym.

mga 6 umuwi na kme ni erica. hehehe. kme ata ung unang-unang umuwi samen. hehe. kse naman.

sakit ng binti ko at ng throat ko (kakasigaw ng mga pangalan ng nawawalang players). hehe. khet nakakapagod, masaya kse nakatulog ako sa kda. sarap ng feeling.

at ngayon ay lunch break namen, mamaya lit and PE. maglalaro kme! yey! kaso naiwan ko ung gloves (hindi ung gloves na pangsoftball, ung gloves na sinusuot bago ung GLOVES ng softball. gets? sana. hehe) kaya kinakabahan ako. hehe. sana di mahalata. balik na ko classroom. ang init dito ehh. bye bye.





Posted by ladyjoanruiz at 12:18 PM | so?

a kid.

there's this kid. everytime i look at her, i see myself.

nuff.

haha joke. di nga.

may picture ako sa flickr ni tito andrew. super nakakahiya! ung Taray na pic. argh! asar tlga pero nakakatawa ehh! ) un na ata ung pinakanakakahiyang pic ko sa balat ng lupa.

anyway, YELLOW TEAM STRIKES AGAIN! ohyeah! sa softball. kanina. stig tlga. kaso may gustong ipakulam ako. well.. hehe. wag na patulan. yaan na sila. hintayin na lang nila sa monday. GO FOR UNO, yellow! pag nabeat namen ang blue team, mga 30% na kme sa grade nmen. iba tlga super bonded ang yellow team. unlike others, we're special.-D naks naman.

pauwe, kasabay ko si don and his friend. napagalitan kme sa FX dhl tawa kme ng tawa. nakakahiya tlga. super antahimik ko na. badtrip, sa katips kme napagalitan, tas hello eh antipolo pa kme. nakakahiya tlga.

at kanina, nakachat ko si gelaics, aba at nabalitaan kong nagriring na ang kanilang phone! olrayt sa owkey. hello kitty!

nakachat ko rin si yuka, from SHS. nagkakarate rin siya. kahapon sa tournament, grabe nakikita ko tlga sarili ko sa kanya! ung sa kumite. ay nako. talaga talaga. dati kse, super aggressive ko tlga. as in. siya rin aggressive. tas basta. nakikita ko tlga sarili ko sa knya.

closing time.. every new beginning comes from some other beginning's end.. yeah.. saya ng kantang to. nge. hehe. maybe i really am a retard.

labo.

Posted by ladyjoanruiz at 11:09 PM | 4 found me

September 19th, 2006

big fat F

waha. teka di ako makapagconcentrate sa pagpost. lol. hahaha! promise. hehe. ang aking puso ay tumatalon, tumatalbog at feeling ko ay lalabas na sa aking dibdib!
Currently listening to: closing time
Posted by ladyjoanruiz at 08:31 PM | so?

September 20th, 2006

My Life: The Soundtrack

- - - - Your Life: The Soundtrack - - - - - - - -
So, here's how it works:
Open your music player (iTunes, Winamp, Media
Player, etc).
Put it on shuffle.
Press play.
For every question type the song that's on.
When you go to a new question press the next
button.
Ready? GO! (this is pretty amazing)


Opening Credits: here i am to worship - hillsong (wow)

Waking Up: burnout - sugarfree (NICE!! hahahaha!)

The Big Move: magpakailanman - rocksteddy

Falling in Love: the best things in life are free - janet jackson and luther vandross (hahaha! pwede pwede.)

First Kiss: my humps - black eyed peas (first kiss pala ahh. hahaha!)

Fight scene: i dare you to move - switchfoot (wow tumutugma!)

Breaking Up: black is the color - the corrs (un naman)

Getting back together: sabihin mo na - top suzara (hahaha! lol)

Sex Scene: remember me this way - jordan hill (lol)

Secret Love: thousand miles - vanessa carlton

Life's okay: mobile - avril lavigne

Mental Breakdown: chopsuey - system of a down (sobra naman)

Out being crazy with friends: makita kang muli - sugarfree aww naalala ko si bugoy. =(

Driving: bring me down - rivermaya yeah. hahahah!

Flashback: harana - akafellas

Happy dance: circle of life - disney

Regretting: I - 6cycclemind

Spending a night alone: it's sad to belong - englad dan and john ford coley (aww.)

Death scene: now that You're near - hillsong

End Credits: bless the broken road - rascal flatts
Currently listening to: mobile - avril lavigne
Currently feeling: silly
Posted by ladyjoanruiz at 09:00 PM | so?

September 21st, 2006

check this out!

this is nice. really.

The Heart of an Athlete


it's sooo cool. as in super. nako.. baka mabigla ka. kse ako nabigla ako eh. hindi ko kse alam! hahaha!

thanks to the moderators especially to ate sheggz. i really appreciate it. super.
Currently feeling: flattered
Posted by ladyjoanruiz at 08:02 PM | so?

September 22nd, 2006

LRT

sa bawat pagakyat sa overpass
maraming tao ang pababa't pataas
pagtawid, ako'y bababa na
at saka haharapin ang mahabang pila

pila ng mga guard sa may gate
sa sobrang haba ako ay nalalate
bakit ba kse kelangan pang buksan,
itong aking backpack na wala namang laman?

kung wala kang stored value sorry sayo
dahil pipila ka na naman, jusko!
coins ang gamitin na pambayad
pagkat ang mga machine kadalasan ito lang ang tinatanggap

wag na magelevator pagkat ito'y mabagal
"sana bilisan pa" iyong ipagdadasal
umakyat gamitin ang hagdan
upang maging mas healthy ang katawan

sa pagpasok huwag magtulakan
easy ka lang, magkakasya ka naman
wag msyadong excited sa tren
baka sa morgue, doon ka namin abuten.

ang upuan ibigay sa matanda
khet ngawit na'y ibigay mo na
pag ikaw nagbigay, hindi bat masaya?
wag ka na magpakaplastik, alam kong inis ka na.

buti na lang at may LRT
kung hindi, traffic mula araw hanggang gabi
mura na, mabilis pa ang biyahe
at di mo na kailangan pang...
makipagpalitan sa FX ng pawis sa iyong katabe!
Posted by ladyjoanruiz at 09:34 PM | so?

weird!

grabe! knina 86 lang ung nagview ng profile ko. sumagot lang ako ng survey 151 na! freaky!
Posted by ladyjoanruiz at 09:48 PM | so?

September 23rd, 2006

pagbigyan na ako.

hindi lahat ng tao ay perpekto. lahat ng tao ay nagkakasala. bago ako mag-post, eto na. humihingi na ako ng tawad sa lahat ng tao lalo na sa parents ko at kay God. sbi nga nila, you can't bottle it all up.drama? haha. ewan ko pero mukha. lilinawin ko lang na masaya naman ako. thankful ako sa lahat. pero sa mga hindi maiiwasang pagkakataon.. eto na un.



MABUTI PA ANG IBA

.. hindi nahihirapan sa math.

.. may driver o sariling kotse papuntang school.

.. kayang-kayang bilihin ang mga materyal na bagay.

.. matataas ang grades. SUMMA-high. SUMMA-taas. SUMMA Cum Laude.

.. madali ang buhay para sa kanila.

.. simple lang ang buhay, hindi komplikado.

.. walang iniisip na problema.

.. pwedeng uminom ng coke.

.. sa LAHAT ng pagkakataon, kasama ang magulang. as in.

.. hindi pa namamatayan ng kapatid.

.. hindi pa nawalan ng taong nagpasaya sa knila for 810 days.

.. may kakayahang iappreciate ang zoology at math.

.. patient sa mga bagay.

MABUTI PA ANG IBA

.. alam nilang mahal sila ng kanilang sensei.

.. merong sensei. talaga.

.. lumaki talaga sa sensei.

.. papasa sa zoology.

PERO. ISANG NAPAKALAKING PERO.

hindi ko idedeny na ako'y isang taong maswerte sa buhay.

MABUTI PA AKO

.. kumakaen. five to seven times a day.

.. may malambot na kamang tinutulugan.

.. may aircon. haha. proud?

.. nakakapag-aral ako sa Royal and Pontifical Univ. of Sto Tomas.

.. nagkakarate ako.

.. ako ay ginawang athletic ni God.

.. pinagpala akong magkaron ng talent sa music kahit papano.

.. nakakapaginternet wan to sawa

.. meron akong minamahal na aso. si Pandolino.

.. buhay pa.

.. meron akong taong tinatawag na BESPREN.

.. wala akong malubhang sakit.

.. meron akong 10 daliri at toes.

.. patuloy akong iniingatan ni God.

.. binigyan ako ni God ng Bugoy na nagpasaya sken for 810 days.

.. khet magkkadiabetes na ko, hindi paren ako nagkaron.

.. hindi ako abnormal na seryoso.

.. ibinibigay lahat ng parents ko ang kailangan ko.

.. may mga supportive na tao sa paligid.

.. ako ay ako.

habang nagpopost ako.. narealize kong meron akong wala ka, at wala naman ako ng ibang meron ka. narealize kong, dapat akong maging thankful sa lahat ng bagay na meron ako at maging ung mga bagay na wala ako. pati ikaw dpat ganun. kung anong kelangan mo na para sayo at hindi lang dahil gusto mo na magkaron ka, ibibigay din naman sayo ni Lord. be patient. hindi mo na kelangang kidnapin pa si mama mary sa church tulad ng bata sa text message.

maging thankful ka dahil wala ka ng ganito. dahil kung meron ka nito, hindi mo na makikita ung tunay na ganda ng mga bagay. libre mangarap. masama magnakaw.
Posted by ladyjoanruiz at 09:54 PM | 6 found me

September 24th, 2006

an entry about THEM.

Some special people of my world. Hehe. Sorry sa di mamemention ah, dont worry, hindi naman kita nakakalimutan ehh. I just feel like posting about these people.

MARIE ABIGAIL PINTO POSADAS
My best friend. Kahit di kami nagkikita niyan, lab na lab ko yan ehh. Bibigyan ko sana siya ng ticket para sa game ng admu and ust kanina kaso wala siya. Hindi na ko nanood. Siya at ang kapatid niyang si vien ang nagturo sa aking magbasketball. Isa rin siya sa mga taong sinasabihan ko ng probs. Lalo na ung matitinde. 17 ang besfrensary. Novemeber 17.

ANGELICA LEE CRUZ PAZ
Thanks to Friendster nagkakilala kami hanggang sa malipat siya sa school namin. Siya ang puno ako ang pader. One of my closest friend ever. Never fails to make me smile. Sobra. Hehe. Siya ang pinakalovable na nilalang sa buong mundo. Kahit sabihin pa niya na mapride siya, wag kang maniwala. May "soft spot" din yan. Haha! Natawa ako dun ah! I dont mean physically, syempre meron pero iba ung tinutukoy ko. Basta. I love her!

ate RENEE GRANADINO
Kahit once pa lang kami nagkikita, super andami ko na natututunan sa kaniya. Nagkakarate din siya at nakilala ko siya dahil sa website ni mam Gege. Lagi siyang may handang words of wisdom. Magaling magbigay ng advices. At super bait.

YUKA MIYAGISHI
Sept 17 ko siya nakilala sa Xavier dahil sa Rexona Cup 4. Siya ung batang mali ang sfelling ko sa kaniyang pangalan. Migayashi ang sfeling ko. Miyagishi pala. Katext ko siya simula pa kagabi. Walang patid kundi tulog lang. As of 10:49 pm, 221 msgs na ang naipapadala niya sa akin. Record to. At pareho kaming takot sa Punjabis. Search mo kung ano iyon. Masarap kausap at malaki trust ko sa kaniya. Siya rin. Haha. That's Yuka, my new friend. I love 17. 17 ang besfrensary namin ni bespren. Pero May ata o April 5 2004 kami unang nagmeet.

PANDOLINO
Nageemote siya kanina nung umuulan. Nakatingin sa kawalan. Aww.
Currently listening to: no frontiers - the corrs
Currently feeling: sooo great.
Posted by ladyjoanruiz at 10:47 PM | 4 found me

September 25th, 2006

jean jean

si jean andito sa bahay namen. eto ata ung surprise ng ate ko dito, akala ko brain ng pusa. hahaha. magkakabisado pa ako ng muscles ng frog. hahahah.

si jean at nakapink na may united na baller at brown na wala raw. nike na pink ung shirt niya at may belt siya na kulay blue. hahahaha. ang galing marunong na ako magtype ng di nakatingin. hahahah.

yey. hahahah!

marumi raw akong tao.
Posted by ladyjoanruiz at 05:54 PM | so?

September 27th, 2006

balance of nature.

itong araw na ito ay hindi naging maganda. seryoso. umaga pa lang, badtrip na. dahil sa sobrang puyat simula sunday, halos di na ko makabangon. at LITERAL na hindi makabangon. dahil etong timer ng aircon na napakaganda ay hindi gumana ng maayos. at natulog akong nakadapa. at nakatapat siya sa aking likod. eto naman ang aking balakang na hindi ko ma-bend.

ikalawa. khet masakit na ang aking balakang eh pinagising pa sa akin ung ate ko. akyat. sigaw. baba. badtrip.

pagdating sa school. akala ko talaga walang zoology (lec) dahil wala. akala ko lang talga. takte dumating pa.

sociology. dapat tlga magrereport ako. ehh sa super dami pang sinasabi ni sir, na nakakaaliw naman, hindi ako inabot. eto ung ipinagpilitan kong tapusin netong linggo. at hindi ako nagreport.

paguwi bumuhos ang malakas na ulan at bumaba ako ng cubao para magfx kung saan ako nagpopower nap. eh pucha POWER SLEEP ung nangyare. kung di ko katext si yuka baka umabot na ko sa kabilang side ng bundok. grabe ung nilagpasan ko! ang layo. ehh wala naman akong planong magcommute pauwe ULET, nilakad ko nalang. kaya super basang-basa ako.

paguwe ko naman. nakalock ang pinto. pati ung likod. at basa parin ako. kung hindi ko pa tinext si mommy, mamamatay ako sa lamig at gutom sa labas. gusto ko na nga kainin ung halaman ehh! ayon. after mga 20 minutes sa labas ng aming bahay. FINALLY dumating na si inay. hehe. pero imbes na pagaalala ang narinig ko, pinagalitan pa ko! hindi raw kse ako nagdadala ng payong! nak ng teteng yang payong na yan. kse naman nakakatamad. kung mababasa ka, eh di mabasa ka! no big deal.

pagpasok sa bahay, walang pagkain. buti na lang may bread at peanut butter. atnatulog ako sa sofa. na pugad naman ng mosquitos. at nangangati ako ngayon.

pero talaga nga naman, mahal ako ni God.

dahil khet ganito kabadtrip tong araw na to, sobra naman ang ipinalit niya para bukas.

bukas ay may english, kung saan ang professor ay nagbabait-baitan, may phil hist kung saan mas mabuti pang itulog mo na lang ang oras. meron ding theology! na kelangan mo ng isang balde ng kape para makasurvive. meron ding math. na kelangan mo ng doctor sa iyong tabi para icheck ang blood pressure mong tumataas. at zoology. kung saan ang grade ko ay below sea level. at magdidissect pa kami ng live frog bukas.

kapalit ng lahat ng kabadtripan kanina at magiging kabadtripan bukas, dumating si Milenyo my hero para isuspend ang classes. love it.

10:44 pm, 9272006.. 398 (and still counting) na ang msgs ni yuka sa phone ko. nice nice! record. sige paramihin pa nten. hahahah! lugi na tlga globe sten.

birthday ni pampa tomorrow! aww. walang pasok.
Currently listening to: windstruck - stay ost
Posted by ladyjoanruiz at 10:39 PM | so?

September 28th, 2006

ayos


Sneakers



yeah. hahaha. teka. pinapatulog na ko. thanks to Milenyo, naappreciate ko ang kahalagahan ng mop.
Posted by ladyjoanruiz at 09:03 PM | so?

September 29th, 2006

heyoy




Your Blogging Type is Artistic and Passionate



You see your blog as the ultimate personal expression - and work hard to make it great.

One moment you may be working on a new dramatic design for your blog...

And the next, you're passionately writing about your pet causes.

Your blog is very important - and you're careful about who you share it with.

What's Your Blogging Personality?







You Are 60% Normal



Otherwise known as the normal amount of normal

You're like most people most of the time

But you've got those quirks that make you endearing

You're unique, yes... but not frighteningly so!

How Normal Are You?







Your Personality Is Like Ecstasy



You're usually feeling the love for the world around you - you want to hug everyone.

And while you're usually content to sit back and view the world with wonder...

Sometimes you're world becomes very overwhelming and a little scary.

What Drug Is Your Personality Like?







Your Depression Level: 72%



You seem to have moderate depression.

Your symptoms are bad enough that they're effecting your everyday life.

You would benefit greatly from professional help.

Are You Depressed?
Posted by ladyjoanruiz at 01:17 PM | so?

tooty tooty



nice vid. haha. im doing my theology project. bye Milenyo, you rocked Manila.
Currently listening to: farewell - ken bonfield
Currently feeling: great
Posted by ladyjoanruiz at 01:41 PM | so?